Alpha Phi Omega at the University of the Philippines (Eta Chapter)

57 years of Leadership, Friendship & Service


The U.P. ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY was formally organized in 1951, officially recognized by the University of the Philippines in 1952 and granted charter by APO Philippines in 1953. Its sorority counterpart traces its roots from the Kappa Phi Omega organized in 1957 and renamed as the U.P. ALPHA PHI OMEGA SORORITY in 1972. UP Diliman is the seventh chapter of Alpha Phi Omega in the Philippines thus designated as ETA (H) Chapter...ETA for Excellence, a take off from UP's own motto: Honor (H) and Excellence (E).

News/Announcements

Ronald “PAPSI” Baccay for USC Councilor

Posted by Fritz Sapon | February 16th, 2010

Isulong ang tunay na Pagbabago sa Konseho!

Isang pamunuan na tunay na magsusulong sa karapatan ng mga estudyante ng Unibersidad. Karapatan sa dekalidad at abot-kayang edukasyon, karapatang mag-organisa, karapatan sa tambayan, at marami pang iba.

Kaya naman ang aming kapatiran – ang ALPHA PHI OMEGA, ay buong pwersa at taas-noong ipinagmamalaki ang aming pagsuporta sa buong hanay ng STAND UP sa pamumuno ni CHAIRPERSON RAINIER ASTIN “RAIN” SINDAYEN at VICE-CHAIR FERMINA “AMME” AGUDO sa darating na eleksyon para sa susunod na konseho.

Alam naming hindi kami mapapahiya at nagkamali sa aming pagpili dahil ang STAND UP ang tunay na magtataguyod sa hangarin nating mga Iskolar ng Bayan na naipamalas nito sa maraming taon na nagdaan.

Ipinagmamalaki rin namin ang pagsuporta sa aming kapatid na si RONALD “PAPSI” BACCAY sa konseho. Isang estudyanteng nagpakita ng kanyang kakayahan bilang lider, hindi lamang sa aming kapatiran, kundi pati na rin sa pakikilahok sa mga isyu sa ating paaralan at sa bayan. Kami po ay lumalapit sa lahat na iboto si PAPSI sa KONSEHO. Alam naming gagawin nya ang lahat para sa pagsulong ng ating adbokasya. Si Papsi Baccay ang ating Pag-asa at Boses sa Konseho!

PAPSI sa USC!

STAND-UP Straight!

Fritz Sapon

GRAND CHANCELLOR